SPAN Logo
 

KASAMA Vol. 24 No. 3 / July-August-September 2010 / Solidarity Philippines Australia Network
 

Ang Natutunan ko kay Indo Menggay
 

by Christopher Domulot Sunday, 8 August 2010
 

Sister Carmen 'Menggay' Balazo fmm Nong akoy isang munting bata pa naitanong ko sa aking sarili na bakit ganito na lamang ang pagmamalasakit ng isang madre na katulad ni Indo Menggay? May pansariling interest ba siya o ito'y isang kusang paglilingkod sa mga nangangailangan ng tulong na kagaya ng aking tribo?

Minulat niya ang aking Tribo sa pamamagitan ng patuturo kung pano bumilang, magsulat at pano tumayo bilang siang taong may dignidad at karapatan. Mga pagsasanay na kung papaano maging leader, makisalamuha sa loob at labas na komunidad pati sa labas ng bansa. Ang pagmulat niya ay hindi pagmulat sa larangan ng pera kundi kung pano ka tumayo sa sarili mong paa.

Bata pa lamang ako noon ay unti-unti ko ng napagtanto na ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong ay isang kabayanihan, kusang loob at pagsasakripisyo. Bayani ka Indo Menggay sa puso ng mga Ayta. Bayani Ka! Isa kang kahangahanga at ulirang ina, Indo Menggay.

Ngayon nakikita na ang bunga na iyong pagsasakripisyo. Maunlad na ang LAKAS nakatayo na sa sariling paa. Parati kong naalala ang iyong mga salita hinggil sa pagsasakapangyarihan. “Na kong ang bata ay parating kinakarga ng magulang ito'y malulumpo. Kaya kailangan ang pagsasakapangyarihan kahit madapa ito'y makakabangon muli at tumayo sa sariling paa.” Marami na ring mga kabataan na nakapagtapos ng pag-aaral at nakatayo na sa sariling paa.

Sa iyong huling aral sa akin hinamon mo ako kung kaya ko bang tumayo sa sarili kong paa at kaya ko bang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakakarami lalo na sa mga Tribo. Opo! Kaya ko dahil ikaw ang naging basihan ko simula nong ako'y nag-aaral pa. Ang pagsasakripisyo ay hindi pagsasakripisyo kong pano mapuno ng pero ang iyong bulsa kundi kung pano mo matutulongan ang mga nangangailan ng tulong na walang bahid ng pera. “Pagkukusa, Pakikisalamuha, Pagmumulat, Pakikipag-ugnayan, Pagmamalasakit sa Kapwa” — Yan ang natutunan ko kay Indo Menggay.

Ikaw ay matamis na alaala ng aking komunidad at sa akin. Maraming Salamat sa lahat lahat ng iyong pagsasakripisyo, pagmamahal at pag‑aaruga sa amin. Nawa'y gabayan niyo parin kami sa lahat ng aming gawain. Indo mahal ka namin kahit kailan ito'y di magbabago sa puso't isipan namin. Salamat! Salamat! Paalam!

*****

When I was a little child, I asked myself, ‘why is it that a nun like Indo Menggay is so caring. Does she have a vested interest or does it spring from a natural desire to serve people in need, like our tribe?’

She awakened our tribe through education: how to count, write, stand as a person with dignity and rights, training on leadership and engagement within and outside community and overseas. Her way of consciousness-raising was about self-reliance, not about money.

As a child, I gradually realized that her assistance on behalf of the needy is a form of heroism, it was heart-felt, and a sacrifice. In the hearts of the Ayta, you are a hero, Indo Menggay. You are one revered as a true mother, Indo Menggay.

Now we see the fruit of your sacrifice. LAKAS has grown and is standing on its own feet. I always remember your words concerning empowerment: ‘A child always held by his parents, will turn out to be a cripple. It is necessary to empower a child, even if he stumbles, he will learn to get up and stand on his own feet.’ Many among the young have completed their studies and have learnt to be independent.

The last lesson you taught me, you challenged me whether I can stand on my own feet, sacrifice myself for the welfare of the majority, particularly my tribe. Yes! I have that capacity because you have become my role model from the moment I began my schooling. Sacrifice is not about filling in your pocket with money but how to help those in need in a way that is not tainted with money. ‘Voluntarism, engagement, consciousness-raising, concern for others’ — these are what I have learnt from Indo Menggay.

You are a sweet memory for my community. Thank you so much for all your sacrifices, love and care for us. We hope you will continue to guide us in our work. Indo, we will love you always with our hearts and minds, and this will never change. Thank you! Thank you! Goodbye!

Christopher Domulot, LAKAS Ayta Community, Bihawo, Botolon, Zambales.
(Translation by Deborah Ruiz Wall)
 

Related Articles: