SPAN Logo
 

KASAMA Vol. 17 No. 1 / January-February-March 2003 / Solidarity Philippines Australia Network
 

Kay Inang Iraq: dalamhati ng kamunduhan
 

Damdamin ko'y nagliliyab,
wari'y bulkang sumasabog,
isipan ko'y pumuputok
sa hirap kong tantuin
ang pagpanaw ng ningning
ng mga tala sa kalangitan-
pagka't kinabukasa'y papaslangin,
mga kabataang walang kamalayan,
mga mamamayang walang kasalanan,
sila'y ihahandog sa dambana
ng mga dayuhang maniniil,
kapangyarihan ang hangarin
galing sa gintong itim!

O Iraq, Iraq, Iraq,
buong mundo'y tumatangis
sa mangyayari mong kapalaran,
nguni't huwag kang mawalan
ng pag-asa,
buong mundo'y
mag-aalsa,
darating din ang araw,
karahasan ay papanaw,
kasakima'y hahatulan ng
kaluluwa ng katarungan,
kalayaan at kapayapaan
ay muling makakamtan!

Mother Iraq: for you, the world grieves
 

Feelings simmering
like a volcano erupting,
my head exploding
helplessly discerning
why the stars' sparkle
is fading, dying,
for tomorrow is condemned
before the assassin's eye:
innocent children, guiltless citizens
offered at the altar
of aggressors from foreign lands,
who by the power of the black
gold seduced.

Oh Iraq, Iraq, Iraq,
the world grieves
at your hapless fate!
But lose not hope
for the world will rise
by your side
and the day will come
when oppression and greed
will vanish,
the spirit of justice
will reign
and freedom and peace
to you restored.

Deborah Ruiz-Wall
Sydney, Australya, Ika-15 ng Marso, 2003
Sydney, Australia, 15 March 2003